Talaksan ng damdaming
nataghoy,
Titig sa kalangitan nang
ako’y --
Napangisi, loob ay
napukaw,
Tugon, kelan nga ba
bulalakaw?
Pagod ni hindi inalintana
Sapagkat panalangi’y handa
na
Siglang walang humpay,
nakasaad
Sayang linagnag sayo’y bubungad.
Mahalagang ganap, ‘yong
pagdating
‘Pagkat linaw ‘yong
kinawing-kawing
Mapanglaw na gabi ay
napawi
‘Sang daan, sulirani’y
nagapi.
Tukatok nang bahagyang
pumikit
Muling dumilat, ika’y
nawaglit
Nakaligtaan, o bulalakaw..
Maging ika’y nalakbay’t napanaw.
No comments:
Post a Comment