I'm not a good writer. However, I love to write whatever comes to my mind. And to quote one of my posts here, "Minsan, di mo naman kailangan ng magpapayo at magtuturo sa'yo ng mga dapat gawin. May mapaglabasan lang ng sama ng loob, e ayos ka na." About the blog title, somebody once asked me, why entitled such. Notes -- for words left unsaid; and tones -- for memories that gave meaningful discourse in my life. So here it is -- SULAT at HIMIG ni Dianne Sagun Pucyutan.
Sunday, November 27, 2011
When An Angel Came Along
"Don't say that you're not good rather, say that you'll strive hard to be better."
Sunday, November 20, 2011
Bakit Ka Nandito?
Kung pakikinggan, mukhang isa lamang madaling tanong ang mga katagang, 'Bakit Ka Nandito?'. Subalit kung tutuusin, kung susuriing mabuti, bakit nga ba? Ano nga ba ang dahilan kung bakit ako, ikaw, tayo, ay nandito? Mahirap din palang isipin. Ang hirap umisip ng tamang salita para ipaliwanag ang sagot sa tanong na iyon. Ang masasabi ko lang, maraming salamat sa nakalipas na team building. With that activity, I was able to feel why am I here, why I don't want any other place, people, organization, other than this.
Team Building [11-18-11]
Matagal nang pinaplano 'tong team buildig na 'to. Buti na lamang at natuloy na. Habang parami nang parami ang mga taong naghihintay sa Vega, sa Elbi, mas nararamdaman ko nang tuloy na tuloy na nga. Wala akong ibang maramdaman kung hindi, kasabikan. Unang beses kasi 'yun e. Tsaka, simula pa lang kasi ng semester, stressed na ko, ika nga ni Dedong, acad-wisely.
Nagsimula ang activity nang puro games. Malamang. Unang laro pa lang, ganadong-ganado na ako. Ewan ko ba, masaya lang ako na nandon ako, kasama sila. So di ako nagpaka-kj. Walang lugar para don at para sa katamaran noong mga panahong iyon. Lumipas ang ilang mga laro, at ang saya lang magreflect sa mga katatapos lang naming ginagawa. Ika nga ni PJerome, mag-cr ka lang, andami mo nang namiss. Di yun exaggerated. I really agree with him. Sa dami-daming nangyare, bawat isang segundo, sobrang pagsisisihan mo kung iyong makaliligtaan.
PUBCOM: The Epic Pinoy Henyo.
Sino ba namang 'di nakakaalam ng larong ito. Haha. Syempre, ang galing ng committee na nakaisip ng laro e. Walang iba, kung hindi kami. Natutunan ko? Wala lang. Ang saya lang maging competitive. Echos. Sa totoo lang, ang saya lang isipin na kahit hati yung grupo, walang halong pikunan na nagaganap. Lahat lang nag-eenjoy. May mga nagrereklamo, pero mas maraming umiintindi. Maliban doon, ang sarap lang alalahanin lahat ng mga bagay na nagpapatatag at kumukonekta sa bawat isa, mapa-lugar ng kainan, batch, mga kasapi, mga pyesa. Mga bagay na alam naming Harmonya lang ang nakakaintindi. Wala nang iba pa.
PUBCOM: The What-if Game [a.k.a. The Sandra Game]
Ang tanong na napunta sakin: 'What if maliit ang bajo de arco?'
Ang sagot na binasa ng katabi ko: 'E di astig! Parang ikaw!'
Woah. I won't go further to the instructions/mechanics of the game or should I say, activity. Amazing to know that at one point or another, things around us are so connected. Sino ba namang mag-aakala na ang tanong ng isa, kayang sagutin ng seryoso or paloko ng ibang tao nang di sinasadya. Parang 'yung tanong na napunta sakin. Sa dinami-dami nang Harmonya members, ako pa talaga 'yung napuntahan nung may word na 'maliit' e no? :D
MEMCOM: Judge The Tower
Sa pamamagitan ng candy na judge, bond paper at toothpick, kelangang gumawa ng tower nang di kinakausap ang kateam. Ang hirap di ba? Pero ang galing lang ng nanalo. Lesson learned? Kahit gaano kataas ang gusto mong itayong tower, kung napakahina naman ng foundation mo, babagsak at babagsak rin yun. Parang proseso ng pagsali e. Kung ano man ang rason kung bakit yun yung pinili mo, yun ang magsisilbing foundation mo. Patatatagin at paiibayuhin lamang yan ng mga tao, pangyayari, na maeencounter mo. Kung sakali mang mahina 'yang 'foundation' na 'yan, mahirap na mag-expect na tatagal ang istrukturang pinupundar mo. Pero mas maganda palang isipin na 'yung bawat toothpick ay nagrerepresenta sa bawat taong nandon. Sa iba-ibang parte nakatayo pero iisa lamang ang layunin. Ang mapatatag at mapatayog ang pinahahalagahan. Kahit na kadiri 'yung paghawak sa judge dahil galing 'yun sa ibang laway, masaya pa rin! =)
MEMCOM: Si Matalino at Si Gwapo [Pardon. I just invented this title :D]
Bottomline: Tiwala lang sa kasama. Ika nga ni Kuya Kit, kung nasa sitwasyon ka na di mo alam kung saan ka patutungo, kanino mo ipagkakatiwala ang buhay mo -- sa tao na hawak ang kamay mo, o sa taong nasa gilid mo at nasigaw? Sakin naman, ang naisip ko lang, dahil may mga nasaktan, dapat lang na matuto tayo sa mga pagkakamali ng iba. 'Wag na nating tularan. Ewan ko. Siguro may pagkaharsh 'yung naisip kong 'yun. :)
FINCOM: Sack Race
Ang mga natutunan noong gabing iyon, kayang pagsamahin sa iisang salita-- ang makapangyarihang teamwork. :)
FINCOM: Egg Catching
Partner ko si Ella dito. Sayang nga e. Second to the last round na e. Actually, kasalanan ko talaga yun e. Hahaha. Di ko nasambot yung egg. Maling approximation. Sorry Ella. =)
LOGCOM: The Longest Line
Ang ganda lang ng konsepto na naisip ng LogCom sa larong 'to. And to quote Bimbi, Minsan kasi nagpapahiram tayo ng mga bagay-bagay. At kadalasan, tayo 'yung humihiram. So responsibility natin na ibalik 'yun the way it is bago pa natin yun magamit. Ang sabi ko naman, wala lang. Hahaha. Joke. Para kasing sa larong 'yun, di naman na maiisip kung ano mga naiibabahagi natin e. Mapapaisip nalang ng kung ano pa yung kayang ibigay sa interval na natitira. 'Wag nag-oobliga pero buong pusong nagbibigay. Corny na pero ganon naman talaga sa pamilya. Ganoon kasi lagi pakiramdam ko pag nasa Harmonya ako. Wala akong pinagsisihan sa mga sinasakripisyo ko kahit pa sobrang importante. Gayon din naman ang iba. :)
RECCOM: Paggawa ng Tool, Paggamit ng Kabila
Talo kami sa game na 'to e. Unang una kasi nawawalan na ng gana dahil sa pagod. Pangalawa, kami kasi 'yung gagawa nung tool. Tapos 'yung gagamit noon, ay 'yung kakampi naming grupo. Ang pagkakamali, 'di man lang namin naisip na gagamitin 'yun nung iba. Sana mas naisip namin 'yung ikadadali nung side nila. Pero tapos na naman. At least, we learned from it.
RECCOM: The Controversial Web
Gustung-gusto ko itong larong 'to. Naging mainit sa simula ang diskusyunan dito pero ang maganda lang, ang daming nagbago at natutunan ng lahat. Naging bukas ang isip ng bawat isa. Nanaig pa rin ang pagmamahal kesa sa bugso ng damdamin. May mga parte na sobrag gumulo. Pero kung tutuusin, sobrang nakatulong ang pag-aaway na 'yun sa ikabubuti ng samahan. Face it or not, sometimes, it takes a big fight to strengthen the relationship. In those fights, we were able to see differences but then again, dapat 'di tayo nagpapadala sa galit. In fcing those differences, we were able to understand each and every personalities. I commend Rica for what she did. We love you, sis. :* Pag-intindi at pag-aadjust lang ang susi. Give and take relationship ika nga. Kung gusto nating maintindihan tayo, subukan muna nating intindihin ang iba. :)
PJerome's Ultimate A-B-C Game
Agenda: Habang nakapikit, kailangang matapos ang ABC hangggang Z ng di umuulit ng kahit anong letra. Kung magkataon, kailangang bumalik sa A. Ang hirap ng larong 'to. Pakiramdaman ang kailangan. 'Di mo alam kung kelan ba dapat magsalita at kelan ba dapat tumikom. Pero ang maganda lang, di kami nagpadala sa init ng ulo at pagkainip. May instance na gusto nalang itigil na. Paano ba naman, isang oras na yata ang lumipas, di pa rin nararati ang Z. Buti nalang, di namin dinaya ang aming mga sarili. Pinanindigan pa rin kung ano ang tama. Saka kung tutuusin, di lang naman ako ang nahihirapan e. Kung magrereklamo ako, ganon din dapat sila. Kaya, tama lang ang ginawa namin. Imbis na magreklamo, tapusin nalang. =)
The Harmazing Race
(1) Ang objective ng game, mailagay yung basong nasa taas ng palad mo sa lamesa ng 'di nalalaglag yung laman na tubig. Nakakatanga nung una. Pero common sense din pala. HAHAHA =)
(2) 'Cause baby you're a firework! Haha. Ang mahirap sa stage na ito ay ang pagrerecite ng preamble in a canon way. Tool, dapat kabisado ang preamble. Ito ata ang pinakamatagal naming stage. Salamat nalang sa pagtutulungan. Nakipagbargain. And we're not regretting any of it.
(3) Pag-inom ng GSM ng walang chaser at magcharades. :/ Ang sakit sa tyan. :( Lesson: Wag hapit sa pag-arte, tandaan na kelangan munang uminom ng walang chaser. HAHAHA.
(4) Paghahanap ng tatlong H ng Harmonya namely Humor, Hardwork and Humility na nakapaloob sa mga piso. Madali lang sana 'yun e. Ang nagpahirap lang, magkakatali 'yung paa namin. Super unity ang kailangan doon. Ang hirap lang maglakad.
To end it, walang nanalo sa game na 'yun. =)))
Harmonya's Battle Royale
Gaya nga ng sinabi ko sa Harmonya, noong napanood ko 'yung movie na battle royale, naisip ko na agad 'yung org. Kung paano kaa kung magkaroon ng ganoon sa org, syempre, ano kayang gagawin ko? Papatay ba ko? Kung oo, sinong uunahin ko? Sabi ko sa sarili ko, 'di ako papatay at 'di ko hahayaang patayin nila ko. So, magpapakamatay nalang ako. Pero nung nagreflect ako sa mga nangyare, grabe, ako pa 'yung nangunguna na pumatay ng kandila ng iba. Ang sama ko lang. :/ But that was just a game. Given the same scenario in Battle Royale, I would still say the same thing.
AT KUNG PAANO NAGTAPOS ANG MGA TALAKAYAN? Binalikan pa rin ang unang katanungan-- Bakit Ka Nga Ba Nandito? Kung ikaw man 'yung isang kandila na tinirik nang mgakakasama, bakit ka nandon? At ang masasabi ko lang..
Nasa Harmonya ako kasi 'yun na 'yung kumukumpleto ng pagkatao ko. 'Di na ko makaisip ng iba pang samahan na kaya pang pantayan ang Harmonya sa buhay ko. Wala na kong mahihiling pa sa social life ko dahil sa kanila. 'Di ko na kailangan pa ng iba e. Ayoko na ng iba. Sila pa lang sobra-sobra na. Mahal ko ang pamilyang 'yun di dahil sa pangalan o sa kung ano pang kaya nitong ibigay sakin. Datapwat, mahal ko 'to dahil tinuturuan ako nito ng mga bagay na di ko akalaing kaya pa lang gawin. May it be good or bad, gusto nalang magpasalamat. And to end this entry, MAHAL KO KAYO HARMONYA. Sobra. Kung mayroon mang bagay na 'di ko pagsisihan habang nasa elbi, 'yun ay ang hinayaan kong kunin niyo ang nag-uumapaw na pagmamahal ko.
HARMONYA, mawala man ang alab ng kandila ko, masaya na kong may iiwanang marka. *GROUP HUG* Tanentenentts. Tanentenentanentenen. <3
Saturday, October 15, 2011
First Semester 2011-2012 Is Over! *Clap Clap*
Finally, this semester is over!
I can see the fruits of all the pain, effort, and sacrifices I have given this semester. Thank God I was able to conquer all my seasonal subjects.
And most importantly, Bloomfields made my semender. I saw them for the second time in person yesterday, Friday at SM Calamba. I won't go further 'cause I know it will all be a :"> story.
Happy Sembreak!! :)
Given Grace: The Given Grace
It was Wednesday (10.12.11), night before my final exam in AMAT171, when I first heard about that shocking news. My roommate Kayecee told us that the girl's body found Tuesday morning near UPLB Campus is then identified. And yes, it was Given Grace Cebanico, BS Computer Science, Batch 2009.
Given Grace -- I don't know her personally. But that name certainly sounds familiar. She was once a classmate of my other roommate Karen and a close friend of my friend Shane. Kung tutuusin, hindi ko talaga siya kilala. But after hearing her name that time, I felt this weird feeling inside of me.
Thursday morning, right after our exam, we went immediately to her funeral in St. Therese. Malayo pa lang ramdam ko na 'yung hinagpis na dinaranas ng pamilya at mga kaibigan niya. I know how it feels to lose someone important, but what makes it worse is how she died. The more I know the story behind her death, the more I hate those people who made this to her.
More than the hatred, a bigger part of me felt fear. Fear that it may happen again. Fear for the possibility that it may happen again to someone close to me or even to me. I may sound a little bit paranoid but I can't avoid thinking of these things. The place which I believe is one of the safe place in this country suddenly became the a strange one for me. I wish I can avoid this mindset. But when I think of the part that UPLB students and Given share the same things -- projects, late night walk, etc. I can't stop feeling this fear inside of me. I hate those people who treat her that way. But who am I to condemn them? Who am I to judge them?
To quote Pastor Jun Cebanico's (Given's father) statement, "We don't understand but God understands." An inspiring thought that should ponder in each and every mind. Let us just believe that things happen for a reason. For whatever reason it may serve, I hope all of us can learn from it.
Given Grace. Such a lovely name. She may not be a given grace to some of us or to some people who don't even know her. But I know, she is the best grace her family has received. A grace that was given by Him.
Sunday, May 29, 2011
Ugmaan
Hilakbot taglay nang sa kanyang bisig manahan--
Agam-agam ma’y pinawi ng ‘lang pag-aalinlangan.
Rahuyo’t dalisay ng kanyang pagmamahal,
Muntik tang’yin yaong isip upang maging hangal.
Oras ng samaha’y di kailanma’y kayang tupdin--
Ng daming maling salitang sinambit, aksyong gawin.
Yaring samahang binuo lamang ng pag-ibig,
Anu’t anuma’y pag-irog din tanging lulupig.
Monday, May 23, 2011
Why Bother Anyway
Disclaimer : I'm not in the right disposition when I created this note. Please bare with me.
If people were to control falling in love, will life be less complicated? Some people say so. For love is one of those fucking things that insanely hurt, most of the time.
I could never attest to that. Loving is such an headache-- the best example of irony in life. We all dreamt to have the best love story yet, we find ourselves wondering if such description exists. We seek for happy endings nevertheless, we end up broken. We want to be loved more than the way we deserved but still, it does not turned out the way we want it to be. We wish to show the best we have but then, we continuously hurt others. It’s something that brings us to the dimensions of simultaneous heaven and hell.
Such a complicated thing, is not it? Though, it is still one of the greatest feelings one can ever felt.
I don’t want to imagine life where there is no love. Even just saying living a life where all people try to escape from it. Maybe, it’s as if saying, living a dull life. No colors, no butterflies, no thrill, no everything.
I don’t even know what this simple and short note would imply. I even wonder whether somebody would have a glimpse or take his/her time reading this. Still, I would leave my last thought: ‘Just simply love, with your whole heart and soul. And all the pain, grudges, and failure will be answered by its underlying definition.’
Parisian Pair of Sandals
For somebody who's really frail,
Having that one Parisian pair
Needs to be handle with such care
'Cause for my heart-- though not aware,
Was firmly captured by it's glare!
For alloted money and time
Just to finally name you mine
Add moments we encountered slime
All can be understood and fine
Since only you, make my feet shine.
Though no longer fitted in feet
Hence you lost your dimes so I weep
And for the time that fastly fleets,
I could still treasure you and keep
But I was too dumb not to see.
I undoubtedly would have known
How you ease all the times I've frown
If not for the moment I've thrown--
Thrown you away to someone's home
Better to be used, to her prom.
My Parisian pair of sandals,
You're the best one I've ever had.
Always want you to glimmer more
But I won't see since you are gone..
Thursday, May 19, 2011
My Sweet Summer Escapades
Summer class has ended. Fortunately, aalizzwell. This was the first time I ever felt such confidence in my academic standing. It's as if I don't have to carry the burden just by myself. I have done all I wanted to do without sacrificing what I needed to. I just asked for peace of mind and at the same time, contentment, before I face a much more different semester ahead of me. Nevertheless, I have got everything more than I ever prayed for. Everything went very well. Thanks to my beloved orgmates whom I spent most of my time with this past few days. Most likely, summer is more of kasiyahan moments rather than school stuff. And I didn't regret any of those.
(TO BE CONTINUED. A VERY LONG STORY TO FOLLOW. I'M NO LONGER IN THE RIGHT MOOD TO GET ON. BYE BLOGGER, FOR THE MEAN TIME.)
Continuation (052011, 1:16pm):
I enrolled in summer classes for two primary reasons-- to cope with units I missed and at the same time, to play during the 39th Commencement Exercise of UPLB. First two weeks of summer classes were spent entirely in practicing graduation marches. It was not that haggard compared to our rehearsals during regular semester. And since I was only taking Nasc10 (my priority subj this summer) and Eng2 (na wala pa namang paperworks nung mga panahong iyon), things just went according to plan.
APRIL 26, 2011 -- GRADUATION DAY = 11:11
As usual, hindi na naman nawala ang pinakamalaking problema ko tuwing may tugtugan-- ang magmake-up. Hmph. ^.~ I admit, I was never born to excel in such thing. Buti nalang andyan ang mga sisses.
After fixing ourselves, an announcement came pondering every member's heart. I don't want to go further into this thing for I am not in the right place to speak up. Basta ang alam ko lang, mahal ko ang Harmonya, at lahat ng bagay na kaakibat nito -- mapamasama man o mabuti, tanggap ko ng buong-buo. Tamang pagmamahal lang, nang sa gayon ay tamang pagmamahal din ang bumalik.
Tama na ang kadramahan! Graduation XP na! Haayy nakooo. Isa na ata 'to sa Harmonya experiences ko na di ko malilimutan. Okay lang 'yung tumugtog na ilang rounds ng Aida Grad March, Grad March in A Minor, at Pomp and Circumstance, ang mahirap lang, habang nakabilad ka sa araw, at bumibilis ang tempo ng Pomp, aba, tila hindi nababawasan ang mga taong nagmmartsa. Ang weird lang talaga. Sana sumasabay yung martsa nila sa tempo ng first movement ng Pomp, para mas madali.
![]() |
| Courtesy of Jat Tabangin. |
*EVIL LAUGH*. Pero masaya pa rin dahil super experience talaga 'to. Lahat ng reklamo at panlalait ay nawala matapos makatugtog ng humigit kumulang dalawang oras. Ang ganda pa ng fireworks habang natugtog sila ng Isang Daan. Nakatutuwa. Right after the grad, Liezel and I went to our high school friend, Jan, in the Freedom Park. And get to congratulate his brother who had just graduated. At pagbalik sa stage, sino ba naman ang makakalimot sa WAAAAAYYYYYRRR! 'Yung wayr! Ang tanging wayr na naging dahilan upang masabihan kami ng kung anu-ano! Syempre, 'di nalang sineryoso ang lahat. Sa halip, ginawa na lamang na napakalaking katatawanan. I can't wait to see the WAYR again, NEXT YEAR! Ang pesteng WAYR, BOW.
May 08,2011-- Meet the Mudspring!
Since it was a major requirement in our Nasci10, we had no choice but to hike ourselves. Yeah, right! HIKE OURSELVES. Habang naglalakad, naimbento ang isang napakagandang rap, ang: 'Hey Ma'am Acel! Ma'am Acel with a measle. Ang sabi ni Liezel, ito ay missile!' Pakana lahat 'yan ng napakagaling na si JSabado. First time kong maghike ng ganoon, kung hike man ang tawag doon. It was almost 6hours of nonstop walking. We could have enjoyed it more kung di lang nagmamadali. OA kasi 'yung mga nasa harapan, nagmamadali masyado.
Mas masaya 'yung daan papuntang Mudspring. Medyo challenging. At di ko makalilimutan si Ate na nadulas papunta. Ang sama ko. Nakatatawa naman kasi talaga. Sinisi pa 'yung nasa likod niya sa kanyang downfall. Anyway, okay na rin ang hindi ko pag-uwi ng weekends. Kahit na sa buong buhay elbi ko, heto pa lang ang pangatlong beses na hindi ako umuwi ng bahay. It was all worth it! :D
May 09, 2011 -- IRRI. IRRI. IRRI TRIP!
Kahit na may exam kinabukasan, go pa rin sa IRRI. Masabia lang na nakasakay ng first time sa IRRI bus. Mga 5:00 na ata kami nakaalis ng campus. Salamat kay Yna na kumuha ng picture! :)
May 10, 2011 -- Jog and Hop!
This photo was taken in our dorm in Catalan (after we jog). Nabalewala rin naman ang ilang rounds ng pagjjog dahil kumain din agad sa Mang Toto. Oo! Mang Toto (stress on the last syllable) lang talaga! Matapos magpahinga at mag-ayos ng sarili, nayaya sila Ynday at Duday sa Hop. Sa madaling salita, lahat ng najog namin ng gabing ito, nawala rin. Since it was the first time that my brother Marcjay and I hung out after a very long time, okay na rin -- kahit pa masamang hang-out ang naganap. Noong mga panahong iyon din, isinilang ang mga pangalang Duday, Ynday, at Hector. Kasi naman e. Kung anu-anong mga pinagsasasabi sa pangalan ko. Mula Dianne, naging Didi. At kung anu-ano pa. Tsk. Pero ang pinakamasaya sa lahat, ng madiscover si Paloma, kinabukasan.
May 12, 2011 -- SM Calamba
Para sa project sa Nasc10, hello SM Calamba with Gerry, Kuya Jade, Dedo, at Jerome. Sa mahabang byahe papuntang mall, nafigure out kung paano matutuloy ang kwento ni Paloma. Ang pagpasok din ni Pamela sa eksena ay dito naisip. Pero dahil napakagaling ni Edgardo, naspoil niya rin sa karamihan ang tunay na identidad ni Pamela. Sayang. Sayang si Pamelang bingot at may peklat, NGUNIT, SUBALIT, DATAPWAT (ano daw?) siya ay napakabait.
May 13, 2011 -- Dare You To Move + Donya Comp Moves
Ayan, napatugtog sa klase ni Sir Marco Galang sa Nasc10. At least, may minus .25 pa rin. Competitive namin sa attendance e. Late kung late pero never umabsent. Strong!
Kinagabihan, naglaro kami ng volleyball (CEM+CA vs. CAS+CEAT), at kickball. At dahil competitib si Donya Competensya na teammate ko sa kickball, di siya nagpatalo. "Jerome, outfielder. Didi, balik pitcher. Gerald, balik base." Hahahahahaha. Peace Rica, :* Sa bandang huli, natalo pa rin kami. Ika nga ni Rica, ang malas ni Jejeromerome. Dapat talagang ulitin 'tong game na 'to. :))))))
May 17,2011 -- Ang mga 'di planado, natutuloy!
Hello, Flat Rocks!
Dahil sa mga diva kong kaibigan na sila Jude Morales at Mark Delmendo, wala kaming nagawa kung di sumama sa lunch sa Raymundo. Sa kasagsagan ng kainitan, nakipagsiksikan lang naman kami sa isang canteen doon. Kaakibat noon, dahil gaga talaga sila Karen Kaye Rosel, at Gelselmariemar Aguilar, pati pagpunta sa Flat Rocks, nahila pa rin ako. I really don't want to. I'm so nigger that I can no longer accommodate such heat on my skin. And besides, I have to watch Ateneo-Adamson game on livestream in La Ville. By the way, sorry Master Ali. So ayun, napasama na ko sa flat rocks, ang saya lang! Ang simpleng paglalakad, nauwi sa isang napakasayang adventure. Dahil hindi kami nakuntento na nandoon lamang sa baba, puro mura ang inabot ni Jude samin. Paano ba naman, muntik kaming maligaw sa mga pinapagawa niya. Lakad. Lakad. Hanggang sa marating ang falls sa itaas. Naligo kahit wala man lang dalang mga extra na damit. Nabalewala lahat ng pagod, galos, kati, at kung anu-ano pa. Salamat Karen, Gelselma, Jude, Mich, at kay new-found friend, Rich.
At ang matagal nang minimithing swimming!
Hindi ko na ikkwento kung paano nauwi sa Southwinds ang Harmonya. Ang masasabi ko lang, matapos ang napakatagal na pagyayaya, nagawi rin pagsswimming. Bandang 10:00 na ata ng gabi kami nakaalis. Habang nasa byahe, di rin alam ang patutunguhan. Basta masabi lang na magsswimswim, bahala na. Hahaha.
Mas masaya sana kung mas marami ang nakasama pero masaya pa rin. Salamat kila Alejandro/ALI (ang dakilang musikero), kay Andoy/ALWIN (ang muchachong hinete), kay Ynday/YNA (ang muchachang taga-linis), kay Kiray/RICA at Kaloy/JADE (na wala pang espesipikong trabaho), sa mga ilustradong sila Hector/JEROME at Tiburcio/KIT (na walang awang umaabuso sa kabaitan ng mga muchacha), at kay kagalang-galang na Paloma/ELAI (ang nilalang na hindi ipinanganak upang magkamali).
--DUDAAAAAY/Didididi
Muntikan ko nang gawing diary 'tong blog entry ko. To end my summer escapades in Los Banos, THANK YOU HARMONYA AND TAMBAYERS for wonderful summer getaway. Binawi ng summer na 'to ang lahat ng iniyak ko last sem. I love you all! :*
May 08,2011-- Meet the Mudspring!
Since it was a major requirement in our Nasci10, we had no choice but to hike ourselves. Yeah, right! HIKE OURSELVES. Habang naglalakad, naimbento ang isang napakagandang rap, ang: 'Hey Ma'am Acel! Ma'am Acel with a measle. Ang sabi ni Liezel, ito ay missile!' Pakana lahat 'yan ng napakagaling na si JSabado. First time kong maghike ng ganoon, kung hike man ang tawag doon. It was almost 6hours of nonstop walking. We could have enjoyed it more kung di lang nagmamadali. OA kasi 'yung mga nasa harapan, nagmamadali masyado.
Mas masaya 'yung daan papuntang Mudspring. Medyo challenging. At di ko makalilimutan si Ate na nadulas papunta. Ang sama ko. Nakatatawa naman kasi talaga. Sinisi pa 'yung nasa likod niya sa kanyang downfall. Anyway, okay na rin ang hindi ko pag-uwi ng weekends. Kahit na sa buong buhay elbi ko, heto pa lang ang pangatlong beses na hindi ako umuwi ng bahay. It was all worth it! :D
May 09, 2011 -- IRRI. IRRI. IRRI TRIP!
Kahit na may exam kinabukasan, go pa rin sa IRRI. Masabia lang na nakasakay ng first time sa IRRI bus. Mga 5:00 na ata kami nakaalis ng campus. Salamat kay Yna na kumuha ng picture! :)
May 10, 2011 -- Jog and Hop!
This photo was taken in our dorm in Catalan (after we jog). Nabalewala rin naman ang ilang rounds ng pagjjog dahil kumain din agad sa Mang Toto. Oo! Mang Toto (stress on the last syllable) lang talaga! Matapos magpahinga at mag-ayos ng sarili, nayaya sila Ynday at Duday sa Hop. Sa madaling salita, lahat ng najog namin ng gabing ito, nawala rin. Since it was the first time that my brother Marcjay and I hung out after a very long time, okay na rin -- kahit pa masamang hang-out ang naganap. Noong mga panahong iyon din, isinilang ang mga pangalang Duday, Ynday, at Hector. Kasi naman e. Kung anu-anong mga pinagsasasabi sa pangalan ko. Mula Dianne, naging Didi. At kung anu-ano pa. Tsk. Pero ang pinakamasaya sa lahat, ng madiscover si Paloma, kinabukasan.
May 12, 2011 -- SM Calamba
Para sa project sa Nasc10, hello SM Calamba with Gerry, Kuya Jade, Dedo, at Jerome. Sa mahabang byahe papuntang mall, nafigure out kung paano matutuloy ang kwento ni Paloma. Ang pagpasok din ni Pamela sa eksena ay dito naisip. Pero dahil napakagaling ni Edgardo, naspoil niya rin sa karamihan ang tunay na identidad ni Pamela. Sayang. Sayang si Pamelang bingot at may peklat, NGUNIT, SUBALIT, DATAPWAT (ano daw?) siya ay napakabait.
May 13, 2011 -- Dare You To Move + Donya Comp Moves
Ayan, napatugtog sa klase ni Sir Marco Galang sa Nasc10. At least, may minus .25 pa rin. Competitive namin sa attendance e. Late kung late pero never umabsent. Strong!
Kinagabihan, naglaro kami ng volleyball (CEM+CA vs. CAS+CEAT), at kickball. At dahil competitib si Donya Competensya na teammate ko sa kickball, di siya nagpatalo. "Jerome, outfielder. Didi, balik pitcher. Gerald, balik base." Hahahahahaha. Peace Rica, :* Sa bandang huli, natalo pa rin kami. Ika nga ni Rica, ang malas ni Jejeromerome. Dapat talagang ulitin 'tong game na 'to. :))))))
May 17,2011 -- Ang mga 'di planado, natutuloy!
Hello, Flat Rocks!
Dahil sa mga diva kong kaibigan na sila Jude Morales at Mark Delmendo, wala kaming nagawa kung di sumama sa lunch sa Raymundo. Sa kasagsagan ng kainitan, nakipagsiksikan lang naman kami sa isang canteen doon. Kaakibat noon, dahil gaga talaga sila Karen Kaye Rosel, at Gelselmariemar Aguilar, pati pagpunta sa Flat Rocks, nahila pa rin ako. I really don't want to. I'm so nigger that I can no longer accommodate such heat on my skin. And besides, I have to watch Ateneo-Adamson game on livestream in La Ville. By the way, sorry Master Ali. So ayun, napasama na ko sa flat rocks, ang saya lang! Ang simpleng paglalakad, nauwi sa isang napakasayang adventure. Dahil hindi kami nakuntento na nandoon lamang sa baba, puro mura ang inabot ni Jude samin. Paano ba naman, muntik kaming maligaw sa mga pinapagawa niya. Lakad. Lakad. Hanggang sa marating ang falls sa itaas. Naligo kahit wala man lang dalang mga extra na damit. Nabalewala lahat ng pagod, galos, kati, at kung anu-ano pa. Salamat Karen, Gelselma, Jude, Mich, at kay new-found friend, Rich.
At ang matagal nang minimithing swimming!
Hindi ko na ikkwento kung paano nauwi sa Southwinds ang Harmonya. Ang masasabi ko lang, matapos ang napakatagal na pagyayaya, nagawi rin pagsswimming. Bandang 10:00 na ata ng gabi kami nakaalis. Habang nasa byahe, di rin alam ang patutunguhan. Basta masabi lang na magsswimswim, bahala na. Hahaha.
![]() |
| JellyaceCheer. Duday and Ynday's favorite |
![]() |
| Excursionist Pose |
Mas masaya sana kung mas marami ang nakasama pero masaya pa rin. Salamat kila Alejandro/ALI (ang dakilang musikero), kay Andoy/ALWIN (ang muchachong hinete), kay Ynday/YNA (ang muchachang taga-linis), kay Kiray/RICA at Kaloy/JADE (na wala pang espesipikong trabaho), sa mga ilustradong sila Hector/JEROME at Tiburcio/KIT (na walang awang umaabuso sa kabaitan ng mga muchacha), at kay kagalang-galang na Paloma/ELAI (ang nilalang na hindi ipinanganak upang magkamali).
--DUDAAAAAY/Didididi
Muntikan ko nang gawing diary 'tong blog entry ko. To end my summer escapades in Los Banos, THANK YOU HARMONYA AND TAMBAYERS for wonderful summer getaway. Binawi ng summer na 'to ang lahat ng iniyak ko last sem. I love you all! :*
Saturday, April 30, 2011
11:11
39th Commencement Exercise of UPLB, Tuesday, April 26,2011.
`Shortest entry yet, the most meaningful of all. :)
`Shortest entry yet, the most meaningful of all. :)
TAMBAYERS
What you do with your life is just half of the equation. The other half, the more important half, is who you were with when you're doing it. -Post GradAnd I say, What I do in my college life is more of organization stuff and academics, but I am missing the starting part of the equation.Well it's summer time. And I just remember last year's summer classes. Funny how things changed. I am still in the same place, same college, same routines, but with a very different group of people. I miss how things were, before major changes came into the picture. It is not that I don't like what's happening in the present time. In fact, I love having another set of people who shares most of their lives with me. Nevertheless, if having another means losing the old ones, then I should ask God thousand times to have both.I miss everything about Tambayers. I miss the hugs, the advices, the dinner dates, the teasing moments, and most especially I miss you guys -- the people I used to know. Yeah right, the people whom I used to know and at the same time, the people who used to know me. I can't even say that I still know all of you just like before. Way back then, every time there's something that happens with you, I was one of those people who would knew it already. Now, I had to ask for nth times before you could open it up with me. Things happened so fast that I can't go on with the flow. I want to cope with everything I missed. But every time I try to do so, it turns out the other way around. It hurts being with you, yet all you can do is to tease me and said other 'unacceptable' stuff. Sometimes, I just laugh and smile just to hide everything. And then I knew, I owe you so many things.Sorry for those times that I can't make myself available for Tambayers. Sorry for being dependent to some of you in terms of academics.And most especially, sorry if you think I value our friendship less than that of my other commitment. Sure, this apologies would neither make you feel better nor bring us to what we were before. But still, I would not take the risk of not apologizing at all.Thanks to those who understand and to those who try to understand. It's been a tough nine months for me -- every night, every performance, every exam, every class hours, every time I see both parties at the same time at same place. For whatever I lost, I should not regret it. I should not regret for the things I have done. All I want to do is save what I still have before it's too late.Someday, I'll have the courage to say these things personally. But for the mean time, just let it stay here in my blog. I love being with you. I want to be with you just like before. And to quote Sugarfree, Kay bilis kasi ng buhay, pati tayo natangay. Siguro ganoon lang talaga ang nangyari. I may be Didi for others but I will always be that Dianne/Dia you cared about.And to make the very long note short, I love you guys! And I always will be.
Saturday, April 23, 2011
Just Tired
It was neither that intricate nor so much thrilling. Everything has no basis. I do whatsoever thing that makes me happy without even thinking of its consequences. Well, that’s how plain everything was, way back years ago. Back to that stage, choices are just a matter of yes or no and not about whys and what ifs. I just wonder why I am so excited to grow up when I was still a child.
Friday, April 8, 2011
Feeling Sabog
GUSTO KO LANG MAGSULAT AT SABIHIN LAHAT NG NARARAMDAMAN KO.
Minsan hindi mo naman kailangan ng magpapayo at magtuturo sa'yo ng mga dapat gawin. May makinig lang at mapaglabasan ng sama ng loob, ayos ka na.
Kailan nga ba nagsimula ang lahat? Sa totoo lang, hindi ko na rin matandaan. Ang alam ko lang, ang huling tatlong linggo ng semestre na 'to, ang gulo na ng pag-iisip ko. Mula sa araw-araw na exam mula March14-18, napagod na utak ko. I even came to the point na kape at energy drink na lang ang bumubuhay sakin. Pero anong magagawa ko? Kailangan kong ipasa ang AMAT170 (para hindi ako madelay) at ang AMAT150 (ang pesteng programming subject na wala man lang akong natutunan. holy shit!). Habang nagrereview sa 170, kampante ako. Paano, mga pitong formula lang ata ang kailangang kabasaduhin. Pero at the same time, mangiyak-ngiyak na ko sa pressure na nararamdaman ko. 59 na standing before the last exam, 'yun talaga ang hindi ko matanggap. Goal ko? Ipasa lang ang last chapter exam! For I know, once I took the finals examination, I wouldn't pass it. Believe me. Hindi ko kayang ipasa ang finals sa subject na 'yun. Imagine, first two exams bagsak ako, tapos kung bagsak din ako sa huli, WTF! Parang wala akong natutunan. More anyone else, I know myself better. Kahit sabihin pa ng mga kaibigan ko na kaya ko, alam kong hindi ko kaya ang pressure na dulot ng finals don. Natapos ang exam, at dahil hindi ako kampante, kwento dito, kwento doon. Naghahanap ng makabuluhang mga opinyon at payo. But nothing seems to change. So I just ran to Him. Leave everything to His hands. And even made a bargain-- ipasa niya lang ako sa 170, kahit pagffinals sa Hum2, buong puso kong tatanggapin. To make the very long story short, I passed the last exam. A four-point lower score would have brought me to that hell thing, the finals.
Week after, pinakanagpawindang sa isip ko ang defense sa AMAT150. Paano ka naman magpprogram ng Minesweeper na may box at diamond pang nalalaman kung yung basics nga, di mo maperform ng maayos. Ewan. Gusto ko nalang magpasalamat. Salamat sa umintindi at tumulong. After defending well our program, which happened to be not-really our program, I thought everything was already fine. Until.... Until I don't know what to say. Night after our defense, I just see myself crying. Tangna! Di dahil emo ako, pero ang gulo na kasi.
HARMONYA'S PROD PARTY. And I am nothing but a mess. Sabi ko sa sarili ko bago pumunta ng party, mag-eenjoy ako. But it turns out the other way around. Well kung tutuusin, masaya naman talaga ako noong simula ng gabi. Mula sa kainan hanggang sa bonggang presentation ng brods and sisses. *By the way, sisses, proud na proud ako sa inyo, satin. And brods, nakatutuwa, nakagagalak sa puso ang inyong ginawa.* Okay lahat until alcohol came. Nag-inom ako, kahit na hindi naman dapat. Paulit-ulit ko na lang 'yun pangako sa sarili ko. Still, I end up fooling myself. So 'yun na nga, nag-inom na ko. Aba, sa pagmamagaling ko, naki-bottoms-up pa ko sa ilang orgmates. As if naman ang galing kong uminom, di ba? Muntanga lang. While everybody was enjoying the long-waited day, there I was, drowning myself into alcohol. Such a drunkard! And I hate myself for that. Buti nga di ako sumayaw e. Usapan kasi, 'yung huli sa bottoms-up ang sasayaw. At ang pagkakaintindi ko, siya din ang mamimili ng kasama sasayaw. Aaaaah.. Basta ganoon. Ang hirap iexplain, kasi di ko rin naman naintindihan. Oo lang ako ng oo. At game na game lang ang lola mo. After non, naiyak na lang ako bigla dahil sa acads ko. Alam ko na kasi na babagsak ako ng 150. Kung sakin lang, okay lang naman talaga magkaroon ng 5.0 pero ang mahirap kasi 'yung disappointment na mararamdaman ng magulang ko. 'Yun 'yung mahirap tanggapin. Plus the fact that I have to retake it. Wala ka ngang natutunan dahil ayaw mong matuto sa subject na 'yun tapos uulitin mo na naman. Nakakaadwa! Pero ang hindi ko lubos maisip, bakit ko iniyakan 'yun? At sa pagkakaalala ko, hindi lang 'yun iyak, hagulgol pa nga ata. Kapag naaalala ko 'yung oras na 'yun, nabbwisit lang ako e. Seryoso.
After noon, nagpunta na lang ako sa pool. I know I was going beyond my limitation. And I was too numb to ignore it. After lang ng ilang minutong pagbababad sa kiddie pool, nagpalpitate na ko. Bagay na lagi kong nararamdaman kapag umiinom ako ng kape at energy drink kapag nagpupuyat. Nevertheless, this time was different. Dahil kagagaling ko lang sa matindi-tinding iyakan, mas mahirap ikontrol ang paghinga. Sobra. Tinutulungan ako ng lahat pero sarili ko hindi ko mapigilan nung mga panahong iyon. Feeling ko nga non, mga 5 seconds lang na di ako makahinga, mamamatay na ko e. Seryoso. Sobrang hirap lalo pa nung dumadami yung mga taong nakapaligid sakin. I was already feeling guilty that time. Imbis na nag-eenjoy sila, nandon sila sa tabi ko, tinutulungan akong huminga. Nakokonsensya ako. But the more I express my guilt, the harder it takes for me to breathe. While they were holding my hands, it feels like I am such a burden, though it really felt god inside-- to know there's people caring for you. Hindi ko na alam kung paano ako naging okay. Then right after that palpitating story, I went upstairs. Then.... I just want to forget the next things that happened.
Pagkatapos makauwi at makapagpahinga, sobrang bigat ng pakiramdam ko. Feeling ko sobrang katangahan mga pinaggagagawa ko sa party. I texted Harmonya and even Ma'am Angge to say that I am sorry. They responded so nice that I feel that guilt again. Ang dami na kasing nangyari, na kahit ako, hindi ko na rin masakyan. Pero dahil alam mong may kasalanan ka, whether or not alam nila, gusto mo nalang magsorry.
Week after ng prod party, I received a message from a friend. At laman non, pasado daw ako sa 150. Nakagugulat, oo. Pero mas nakakainis. Pagkatapos mong hindi magsaya sa party dahil doon! Siguro masyado lang akong naging emotionally weak. Sorry pero hindi ko na kasi kinaya. Sorry sa lahat ng nasabi ko. Pero sa totoo lang, lahat iyon hindi kasinungalingan. Never ako nagsabi ng kasinungalingan kapag lasing. I know ang dami kong nasabing hindi maganda. Pinagsisisihan ko na 'yun. I wish I could return everything back to what it is-- back when things aren't that complicated. Napapaisip lang ako kung tama lang ba ang ginawa ko. Ang gulo na kasi, sobra. I want to forget those things.
Right after going back to elbi this afternoon, narealize ko na sobrang nabless Niya ko. I didn't fail any subject. I know things happen for a reason. And for whatever reason it may be, I just don't want to stop praising him.
Sunday, March 13, 2011
Musika at Kasaysayan
Isang buwan na ang nakalilipas mula ng aming lisanin ang entabladong unti-unting nagpakilala sa aming tunay na kabuluhan sa larangang aming nais pagkadalubhasaan. Isang buwan na rin ang nakalilipas ng huli kong maramdaman ang sayang walang humpay at ang pangambang walang saysay.
Dugo at pawis, ika nga ng karamihan, marahil iyon ang naging puhunan ng buong grupo. Ilang buwan ang ginugol upang maensayo ang lahat ng pyesang kailangan. Ilang linggo ang tiniis na ang kanya-kanyang bahay ay 'di magawang masilayan. Ilang araw na tila ba'y wala na ang salitang akademiks sa usapan. Ilang gabi na kami at musika lang ang nagkakaintindihan. Lahat iyon ay nagawang tiisin ng lahat. Batid ng aking kamalayan sapagkat akin itong ramdam. Nagkaroon man ng hindi pagkakaintindihan sa loob ng aming pangalawang tahanan sa SU, nauwi pa rin sa pwede na ang lahat. Kung minsan nga'y may mga nagrereklamo pero nasunod pa rin. Marahil ay may mga salita ring nabitawan na hindi katanggap-tanggap. Pero kung tutuusin, balewala lamang ang lahat ng iyon. Dahil sa bawat sandaling lumalabas sa tambayan, makita mo lang na naghihintayan kahit na inip na inip at magkakaiba naman ng direksyon na tatahakin, mawawala ang pagod mo. Dagdag mo pa ang mga sandaling sila ang kasama mo sa mga oras na tinatawag ka na ng Boston para mag-aral, ng Hopscotch para magrelax, at ng Bugel's, Siomai FoodHouse, at ng Carajo's para kumain. Ngayon sabihin mo, sino ba naman ang hindi madidikit ng sobra sa mga taong iyon kung sa araw-araw na lang na gigising ka, mensahe nila ang una mong matatanggap, at bago ka matulog pagmumuka at salita nila ang tanging kukumpleto ng araw mo?
Nagdaan ang produksiyon, naramdaman namin sa loob ng apat na araw ang bunga ng sama-samang paghihirap. Sa mga araw na iyon, hindi mo na maiisip kung ano nag mga sinasakripisyo mo. Bagkus, mapapaisip ka nalang kung ano pa ang mga kaya mong ibigay. May mga nambalewala at nang-isnab man sa kanilang nasaksihan pero naririyan naman ang mga humanga, pumuri, naengganyo, nasiyahan, at nagpasalamat. Ang kasaysayang iyon ay hindi lamang mananatiling kasaysayan ng grupo. Subalit higit sa lahat, mas magandang marinig na ito ay kasaysayang nasaksihan ng mga taong naging bahagi. Ang sarap sa pakiramdam na mabasa ang mga feedback ng tao sa fb, marinig ang mga komentaryo paglabas ng tanghalan, at lalo na ang makita ang iyong magulang na nakaupo sa harapan mo, nakikinig at napapangisi sa bawat notang iyong binibitawan. Ilang buwang pinuhunan ang dedikasyon at pagmamahal, katumbas ay apat na araw ng kakaibang karanasan at kaligayan.
Salamat Harmonya sa musikang inyong buong-pusong ibinahagi sa akin. Mahal na mahal ko kayo!
Salamat Harmonya sa musikang inyong buong-pusong ibinahagi sa akin. Mahal na mahal ko kayo!
Subscribe to:
Comments (Atom)





