Saturday, February 8, 2014

Kapit Lang

*Matapos na marinig ang mga balita.*

Inisyal na reaksyon? Aba, syempre nakakainggit! Matapos ka ba namang umalis ng eLBi, samutsaring oportunidad ang hindi mo naabutan. Parang hindi mo nalang maiiwasang isipin, kung nandoon kaya kami, saan kami nakaposisyon? 

Subalit, ang namamayaning pakiramdam? Iyon ay walang iba kung hindi ang nag-uumapaw na kagalakan. Parang dati lang, biruang pangarap lang iyon -- napag-uusapan sa inuman, sa tambay moments, sa panonood ng mga musical plays, sa maraming pagkakataon. Pucha, pero totoo na lahat ngayon! Literal ngang lilipd na kayo! Hindi lang iyon, mapapanood pa hindi na lang basta sa NCAS o di kaya naman ay sa DL Umali, CCP na. Bigtime na bigtime. Hahaha. Sinabayan pa ng pagbabalik sa produksyon. Nakakaproud, sobra.

Para sa mga kapatid kong residente ngayon, MARAMING SALAMAT SA PAGIGING KATUPARAN NG MGA NAUNANG PANGARAP. Alam ko, hindi naging madali ang proseso. Panigurado, marami kayong itinaya para sa katuparan na iyon. Ang iba pa nga ata sa inyo pati pagmartsa, panandaliang isinantabi. Para sa akin, wala man kami sa sitwasyon niyo ngayon, ramdam namin kayo. Suportado namin kayo (HINDI NGA LANG NG PINANSYAL). Kasama niyo kaming patuloy na nangangarap at nagdadasal. Para sa pagod, oras, inspirasyon, pagmamahal, at dedikasyong buong-puso niyong binibigay ngayon, hinding hindi niyo 'yan pagsisisihan balang araw.

Every opportunity involves risk. But every risk is an opportunity. Maswerte tayong lahat na minsan sa buhay natin sa UPLB, sumugal tayo para sa mga ganitong pagtugtog. Hahahaha. Doon pa lang, sulit na sulit na ang ilang taon sa elbi. God bless, mga kapatid. Konti nalang, kapit lang. 


*ISANG MAHIGPIT NA YAKAP*

No comments:

Post a Comment