[For my supposedly-super-crush! :D *HIHIHI* ]
When I was a trainee there's this one person in Harmonya that I always look up to. He is not actually the most handsome brad nor the most inspiring one, but I always long for that day that I would be able to be that close to him. Hahaha. For he is one of those I really admire. And to name him, he is actually my forever PubComm Head, Jade Cesar Balita.
Months passed, and I know that our bond become so much tighter. As in nagpakafeeling close na ko kahit na sobrang naiitrita siya. Getting to know him better gives me a sense of comfort during the times I am with this brutal guy. Yes, you see it right. He is really brutal. He tends to hurt me physically. How mean! Anyway, even though he is that type of person, I still used to admire his principles in life.
I remember the moment when I am under our reporting period (that was my first encounter with his awesome hair). I was actually the first one who reported to him. E di ito namang si Kuya Jeyd, makapag-expect na okay ako. E ang kapal ng muka ko, di ko siya kilala. Kasalanan ko ba? Well, partly. E kasi naman... And that leads to his bad impression towards me. During that time, I can't accurately define what I was feeling. I don't know, I used to hate him for commanding me to recite the preamble backwards. Because I'm so great, I didn't do it. How could I? Ngunit magkaganoon pa man, noon pa lang hinangaan ko na ang pananalita at paniniwala ng isang Jade Cesar.
Kung usapang PubComm lang din naman, halos 'di rin ata nagtutugma ang mga pinaniniwalaan namin. Pero sa kanya ko natutunan ang ilang importanteng bagay bilang lider. Si kuya jeyd kasi 'yung tipo na head at member na marunong manindigan sa kung ano 'yung tingin niya ay tama. Sa walang hanggang rants na narinig ko sa kanya, ni hindi man lang ako nainis, tinamad makinig, o di kaya nama'y nainip sa mga ginigiit niya. 'Yung tipo bang, matutuwa ka nalang kasi may nakakaisip pala ng mga ganoong bagay-- mga kaisipang, hindi mo maririnig sa isang taong walang pakielam sa buhay. Mga rants ng isang taong alam mong nagpapahalaga at pinahahalagahan.
---------------------------------------
![]() |
I will definitely miss you Kuya Jeyd! :) |
Kagaya nga ng nakalagay ng note ko
sa'yo: sobrang proud ako sa'yo lalo pa at nakasama ka sa HS (na hindi ko
man lang alam). Malay mo, ako rin pala next year. Joke. Hahaha.
Sobrang mamimiss kita, Mr. Glenn Alexander Cano, este Mr. Jade Cesar
dela Cruz Balita. 'Di ko malilimutan na ikaw ang kauna-unahang hinangaan
ko sa Harmonya. Ikaw ang inspirasyon ko sa pagiging PubComm Head.
Salamat Kuya Jade! Saludo ako sa'yo! Ikaw ang nagtatak sa kaisipan ng
karamihan ng bagong depinisyon ng paninindigan. Nakatatak pa rin
hanggang ngayon sa isipan ko ang mga oras na pinakikinggan kita noong
tumakbo ka bilang presidente. Napatigil nalang ako noon, at napaisip.
Mga prinsipyong nabitawan ng isang Jade Cesar 'di dahil sa tagal ng
kanyang pananatili sa Harmonya, bagkus, dulot nang kanyang nag-uumapaw
na pagmamahal para dito.
Salamat sa dalawang taong pagkakaibigan Master Jade!! Walang humpay na pasasalamat!!! :) *Labyuuuu.
Wait lang, sobrang natuwa ako sa response ni kuya jeyd. Wala akong pakielam kung sino makakbasa nito o kung may makakabasa man:
ReplyDeletepwede ba magcomment dito?
hehe, DIANNE PUCYUTAN, una sa lahat,nasaktan ako sa sinabi mong I'm not the most handsome brad. tsk. para akong nahulog sa bangin at kinain ng crocodile. hehe.
di ko alam kung paano magsisimula sa mga sasabihin ko. DD, siguro, I wanna say that I feel really humbled. Buong buhay ko naman di ko inisip na may taong i-hohonor ang aking mga salita o ideya. siguro ako tulad ng iba na mangunguna sa linya upang gumiit at mag-pakalider. ang alam ko lang talaga is may sarili akong paniniwala na nag-uugat sa pagmamahal ko sa mga tao. Buong buhay ko, ngayon lang ako nakatanggap ng ganitong pagpapahalaga. Maraming salamat sa dalawang taon na nakilala kita. isa ka sa mga pinakamahahalagang tao na nakilala ko. ilan ka lang sa mga taong talagang umintindi sa akin fully. Maraming maraming salamat. ayoko, never kong ginusto na matapos ang lahat ng ito.. kasi natatakot ako na iwan ang ganitong estado sa buhay ko. sobrang mahal na mahal ko na ang ginagawa ko at kaung mga taong andito at nagpapahalaga sa akin. didi, mabigat sa kalooban, masakit, nakakabaliw ung ideya na matatapos din sa wakas.. alam ko maiintindihan mo to sa grad mo.. kung siguro ngaun nakakaramdam ka na ng lungkot at may ilang taong mawawala o aalis sa harmonya. taena, mas masakit ung lahat mawawala.
sa ngaun, hayaan na natin ang tadhana.. hehe. kasi lahat naman dadating sa ganito. basta, pls keep your faith sa lahat ng ginagawa mo. ang best advice ko sau lalo na at exec ka na ay huwag matakot magdesisyon. wag matakot magkamali. wag matakot umamin ng pagkukulang. its always better to fail nga than not to try at all. dun kasi tau nag-gogrow. wala pang great people sa mundo ang di sumubok dahil sa takot. walang perpektong Harmonya, pwedeng hindi ako ang magiging pinaka-magaling na pubhead o violinist pero who cares? hindi naman nila masusukat kung gaano ako nagmahal at nagpahalaga sa ginagawa ko.
I wish you all the best! di ko makakalimutan lahat ng iginigiit mo. sobrang mamimiss kita.
naniniwala akong magkikita pa tau ng madalas. hay. pero sa ngaun, paalam muna!
-the most handsome brad.
**and he only proved that he is so worthy of this note and my neverending trust and admiration. :)