Hanggang ngayon, di pa rin ako nakakamove-on sa saya ng nakaraang semester. Ang daming bagong nangyari. Sa bilis ng lahat, di ko namalayang ang dami na palang nagbago. Ito ang ilan sa mga nagpasaya at kumumpleto ng nakaraang semestre ko :
* Kaibigan at Kaarawan
* Kaibigan at Kaarawan
![]() |
Michelle's Debut (Elbi) |
![]() |
Jillian's Debut (Paranaque) |
![]() |
Karen's Birthday (Elbi) |
Janean's Debut (McDonalds, Alabang) |
Mas naging magaan ang acads dahil sa mga ganitong pangyayari -- mga gimik! Di ko na iisa-isahin pa ang mga nangyari sa bawat kaarawan na ito, basta lahat ng iyan ay puno ng kaligayahan! HAHAHAHAHA. Lagi naman e. Basta kasama ang tropa, okay na. E nadagdagan pa ng napakaraming pagkain, e di mas bongga, hindi ba?
* 18 na ko. Di nga lang halata sa height, pero opo, 18 na!
![]() |
Sizzler's (081810) |
Dahil paimportante ang Math 101 (bigla ba namang nag-announce ng exam kinabukasan ng birthday ko), wala akong nagawa kung hindi ilipat ang selebrasyon ng aking birthday ng August 18. Dahil andon ang aking elbi friends, okay naman ang lahat, MASAYA! Simpleng pagsasalo-salo lang ang naganap. At syempre, kahit anong mangyare, hinding-hindi mawawala ang picture-taking! At ayan, ayan ang tinatawag naming Live-life-we-are-dying pose. Salamat sa aking mga kaibigang sina Jillian, Romel, Jude, Mark, Mich, Nazy, Yo, Jona, Kayecee, Karen, Daryl. Sayang lang dahil wala si Hazel at Lester.
![]() |
Tia Maria's, Festival Mall (082610) |
Nagkaroon din munting salu-salo para sa birthday ko kasama ang Pascal. 'Yan, yang mga yan ang mga taong naging malaking bahagi ng buhay high school ko. Corny pero alam ko, never ko ng makalilimutan 'tong mga taong 'to. Andaming 'firsts' ang na-experience ko kasama 'yang mga 'yan! Nakakamiss lang kasi 'di ko na sila masyadong nakakausap ngayon. May kanya-kanya na kasing mga priorities. Magkagayunman, alam kong lagi akong may matatakbuhang 38 na tao kahit anong mangyari -- mapasaya man, lungkot, kalokohan, o kung ano pang trip sa mundo. Malayo man ay malapit din, sabi nga nila (ang mais). It's all in the mind!
*At syempre, nagkaroon ng org! At hindi lang basta org, bagong pamilya pa. :D
Ayan ang Harmonya: The String Ensemble of UPLB. Kahit na buong semestre ako naging aplikante ng Harmonya, masasabi kong sulit pa rin. Tanda ko pa nga non, umayaw na ko dahil sobrang naaapektuhan ang academic performances ko. Nagpaalam na ko sa lahat ng batchmates ko, pati sa MemCom Head. Still, I see myself coming back to these people, and to the organization itself. I don't know why but there's something about Harmonya that I can't let go of. Something you can't explain, but when you felt it, you'll know that it's an enough reason to make you stay. ~Weirdo. Basta ang alam ko, mahal ko ang Harmonya. At habang nasa elbi ako, yan ang magiging org ko. Kuntento na kong makasama ang mga taoong masaya na sa pagtugtog ng walang humpay. Dahil pag kasama ko sila, di ko makakailang, masaya ako. Iba talaga ang nagagawa ng musika sa buhay ng tao.
*Dahil sa Harmonya, nakilala si Ondine!
Kahit na halos araw-araw ang practice, nakayanan naman. Kakaibang experience talaga ang pagsabak sa Ondine. Sinubok ang tatag at galing ng lahat. Lalo na sa akin na hindi man lang marunong mag-sight read. It's been a great experience, after all. Especially, when I saw the fruits of all we've worked for. Self-fulfilling! Para bang kahit hindi ka magaling, feeling mo ang galing mo pa rin. Besides, Ondine is really a wonderful play. Masabi lang na part ka nito, ka-proud-proud naaaaaa...
♫ Aking mahal, ninais kong ibigay sa'yo ang lahat sa mundo. At ano mang ibigin mo. Ngunit, kailangang angkinin ang lahat sayo balang araw mahal ko, kalilimutan mo rin ako.. ♫
Daming bagong twists sa buhay. And I love it -- kinakaya pa kasi. Hope this coming semester will follow. Second semester, please be good to me, okay? Magpapakabait na ko, SWEAR!
And for February 2011, here's something to watch out for!
*At syempre, nagkaroon ng org! At hindi lang basta org, bagong pamilya pa. :D
Loyalty Day |

love you too didi! haha!
ReplyDeleteDi yata kita nabati!!! Happy Birthday!!!!
ReplyDeleteSalamat sa pagbabasa, AT SA PAGKALAT NG LINK. Tsk. HAHAHAHA. :)
ReplyDelete