Way back years ago, Christmas is one of those holidays that I am really longing for. Syempre, for two primary reasons-- there's DecemBREAK to sent me out of tiring schoolworks, at may pera. Oo, may pera! Magmamano ka lang sa Ninong at Ninang mo, may pera na. Ganyan lang kasimple ang konsepto ng Pasko sa akin dati. Makakuha lang ng regalo at pera, masaya na. Minsan nga di mo na napapansin na masaya pala ang Noche Buena ng pamilya niyo. Just because you are too busy looking out for what's waiting for you on Christmas Day. Pero ngayon, dahil hindi na ko pwedeng mamasko sa mga ninong at ninang ko, madami akong napag-iisip.
Dahil nandito sa bahay ang tita, mga pinsan from Tarlac at Misamis Oriental, mas naging magulo, maingay, makulit ang Pasko.
Well, I am proud to say that it's my first time to spent a large amount of money (maybe, it's just a small amt for others) just to buy gifts for my family and relatives. Ang sarap lang sa pakiramdam lalo na at alam mong masaya sila sa mga chakang regalo mo. Hahahaha. Nakatutuwa nga kasi nung Noche Buena, parang ayaw nang kumain ng mga batang pinsan ko, dahil sa sobrang excited buksan regalo nila. Buti nga di siya nadisappoint kasi yung pencil case lang a may hagdan lang ang regalo ko. Hahahaha. Still, it's the best Christmas eve ever! Madaming pagkain (kahit na ang desert na naman ni Mama ay maha), and most importantly, kumpleto ang pamilya.
And Christmas Day itself? Nasa bahay lang ako hanggang hapon. Naghihintay sa mga inaanak ng aking mga magulang. So boring yet so meaningful. Naghihintay ka hindi dahil gusto mong tumanggap, pero dahil gusto mong magbigay. Ganoon naman talaga ang tunay na presensya ng Pasko, di ba? ANG IBAHAGI KUNG ANONG MAYROON KA NG HINDI NAGHIHINTAY NG KAPALIT. Pero di yan galing sakin, sabi yan ni Madir!
And before that holiday ends, lumabas kami ng aking broken-hearted na kuya. Nagpunta kaming Festival Mall. Masaya kaming naglalaro sa Xsite (Did I spell it right?) ng di namin namalayang talo na pala kami ng 300php sa paglalaro lang ng Indiana Jones at Happy Clowns. Pero masaya pa rin. It's been a long time since the last time we hung out together.
Christmas has never been this cool! Some experiences + learnings + family and relatives = HAPPY HOLIDAY! :D
No comments:
Post a Comment