Friday, December 31, 2010

Numerong Buhay

Ang buhay ay parang Matematika – simple sa umpisa, komplikado habang  tumatagal. May ilang natatakot humarap. May ilan din naming bumagsak subalit tinatahak pa rin nang sa gayo'y pumasa na. May ilang nagigiliwan sa thrill na dulot nito. Nariyan din naman ang ilan na walang humpay na umaasa na lamang sa kagalingan ng katabi. May iba na masaya na magkaroon ng tres. Samantalang may iba na nais mag-excel at hindi lamang basta pumasa. May ilang magaling sa pagsagot ng problema, ang iba'y sumusuko na lamang. At mayroon ding nagpapadala na lamang sa agos. Ikaw, saan sa ilan na ito ka nabibilang?

Nagsimula sa madaling addition, pinamahirap pa nga ay fraction – ganoon lang kasimple dati ang problemang dulot ng Matematika. Tumanda lang ng kaunti, nadagdagan na ng mga variables at tangent. Akala mo ay hanggang doon na lamang. Pero aba, lecheng Math ‘yan, mayroon pang nalalamang integrals at derivatives. Hindi pa nakuntento, ipinakilala ang varying force of interest, matrices, at formula translator! Pahirap ng pahirap habang tumatagal. Ngunit anong magagawa mo? Hihinto at susukuan na ito? E siraulo ka pala e. Estudyante ka kaya! Wala kang ibang magagawa kung hindi harapin at sagutan ang mga problemang iyon. Mag-aral at matuto. Magpakasaya at magpakagaling.

Pagsagot sa problema? Mahirap kung iisipin. Pero ika nga ni Blaise Pascal, "It's all in the mind". Ang madali ay nakakatamad, nakakabagot talaga. Minsan nga, kung ano pa yung mahirap, yun pa ang mas nakakagalak harapin. Mas may challenge, hindi ba? Tapos mabibigla ka nalang, nagawa mo na! Subalit kapag naharap sa matinding problem set, hindi lang naman ang final answer ang mahalaga. Mas makakakuha ka pa nga ng maraming puntos kung maayos ang solution mo. Kumbaga, mas mahalaga pa rin ang proseso kaysa sa awtput. Kung wala talaga, 'wag mangamba, laging may puntos para sa pagttyaga. Subalit kung blangko ang iyong sagutang papel, sumigaw at sabihing, Tangna kasi yung prof ko'. Biro lang. Laging tatandaan na mayroon pa ring susunod na semestre. Laging may natitira pa ring pag-asa, kahit anong mangyari.

At sa bandang huli, matatawa ka na lang kapag binalikan mo ang bawat maling sagot, maling subok. Maiisip mong, ang tanga mo dahil ganoon lang pala iyon. At para sa mga nasagutan mo na tama, hindi mo na iyon malilimutan. Habang buhay mo na iyong itatak sa iyong isipan.

Math ay parang buhay? O buhay ay parang Math? Ewan! Basta ang alam ko lang, parehas silang komplikado, parehas magulo. At higit sa lahat, parehas ko silang kailangang ipasa at harapin!

Wednesday, December 29, 2010

Highlights of My First Semester A.Y. '10-'11

Hanggang ngayon, di pa rin ako nakakamove-on sa saya ng nakaraang semester. Ang daming bagong nangyari. Sa bilis ng lahat, di ko namalayang ang dami na palang nagbago. Ito ang ilan sa mga nagpasaya at kumumpleto ng nakaraang semestre ko :

* Kaibigan at Kaarawan
Michelle's Debut (Elbi)
Jillian's Debut (Paranaque)


Karen's Birthday (Elbi)
Janean's Debut (McDonalds, Alabang)

Mas naging magaan ang acads dahil sa mga ganitong pangyayari -- mga gimik! Di ko na iisa-isahin pa ang mga nangyari sa bawat kaarawan na ito, basta lahat ng iyan ay puno ng kaligayahan! HAHAHAHAHA. Lagi naman e. Basta kasama ang tropa, okay na. E nadagdagan pa ng napakaraming pagkain, e di mas bongga, hindi ba? 

* 18 na ko. Di nga lang halata sa height, pero opo, 18 na!
Sizzler's (081810)
Dahil paimportante ang Math 101 (bigla ba namang nag-announce ng exam kinabukasan ng birthday ko), wala akong nagawa kung hindi ilipat ang selebrasyon ng aking birthday ng August 18. Dahil andon ang aking elbi friends, okay naman ang lahat, MASAYA! Simpleng pagsasalo-salo lang ang naganap. At syempre, kahit anong mangyare, hinding-hindi mawawala ang picture-taking! At ayan, ayan ang tinatawag naming Live-life-we-are-dying pose. Salamat sa aking mga kaibigang sina Jillian, Romel, Jude, Mark, Mich, Nazy, Yo, Jona, Kayecee, Karen, Daryl. Sayang lang dahil wala si Hazel at Lester. 

Tia Maria's, Festival Mall (082610)
Nagkaroon din munting salu-salo para sa birthday ko kasama ang Pascal. 'Yan, yang mga yan ang mga taong naging malaking bahagi ng buhay high school ko. Corny pero alam ko, never ko ng makalilimutan 'tong mga taong 'to. Andaming 'firsts' ang na-experience ko kasama 'yang mga 'yan! Nakakamiss lang kasi 'di ko na sila masyadong nakakausap ngayon. May kanya-kanya na kasing mga priorities. Magkagayunman, alam kong lagi akong may matatakbuhang 38 na tao kahit anong mangyari -- mapasaya man, lungkot, kalokohan, o kung ano pang trip sa mundo. Malayo man ay malapit din, sabi nga nila (ang mais). It's all in the mind!

*At syempre, nagkaroon ng org! At hindi lang basta org, bagong pamilya pa. :D
Loyalty Day
Ayan ang Harmonya: The String Ensemble of UPLB. Kahit na buong semestre ako naging aplikante ng Harmonya, masasabi kong sulit pa rin. Tanda ko pa nga non, umayaw na ko dahil sobrang naaapektuhan ang academic performances ko. Nagpaalam na ko sa lahat ng batchmates ko, pati sa MemCom Head. Still, I see myself coming back to these people, and to the organization itself. I don't know why but there's something about Harmonya that I can't let go of. Something you can't explain, but when you felt it, you'll know that it's an enough reason to make you stay. ~Weirdo. Basta ang alam ko, mahal ko ang Harmonya. At habang nasa elbi ako, yan ang magiging org ko. Kuntento na kong makasama ang mga taoong masaya na sa pagtugtog ng walang humpay. Dahil pag kasama ko sila, di ko makakailang, masaya ako. Iba talaga ang nagagawa ng musika sa buhay ng tao.

*Dahil sa Harmonya, nakilala si Ondine!


Kahit na halos araw-araw ang practice, nakayanan naman. Kakaibang experience talaga ang pagsabak sa Ondine. Sinubok ang tatag at galing ng lahat. Lalo na sa akin na hindi man lang marunong mag-sight read. It's been a great experience, after all. Especially, when I saw the fruits of all we've worked for. Self-fulfilling! Para bang kahit hindi ka magaling, feeling mo ang galing mo pa rin. Besides, Ondine is really a wonderful play. Masabi lang na part ka nito, ka-proud-proud naaaaaa...

♫ Aking mahal, ninais kong ibigay sa'yo ang lahat sa mundo. At ano mang ibigin mo. Ngunit, kailangang angkinin ang lahat sayo balang araw mahal ko, kalilimutan mo rin ako.. ♫


Daming bagong twists sa buhay. And I love it -- kinakaya pa kasi. Hope this coming semester will follow. Second semester, please be good to me, okay? Magpapakabait na ko, SWEAR!

And for February 2011, here's something to watch out for!





Tuesday, December 28, 2010

Last Note

As what my favorite American series One Tree Hill quoted, “To lose his/her heart’s desire is the greatest tragedy one can ever have in life.” And once in my life, I find it right.

I can’t exactly remember the precise words each of us have said that night. All I can’t get out of my mind is the feeling I used to feel—the constant pain my heart gets as I try to stop him from leaving and the hardship it takes to neglect my pride just to make him stay. For I know, once I lose him, it would never be easy to have him back.

Neither of us expected that our relationship would end that way. We could have worked it out but we find it hard to search for reasons why we must. After days of soul searching, I figured out that, sometimes, love felt by an individual can’t be enough for them to fight in whatever they believe in.

One year and six months -- such a long time for me to forget all the memories we have once shared. From the after class talks to catch up things we missed during one another’s classes, up to the teasing moment—him being my fat man, and me being his Olivarez girl. Nobody could ever know what that span of time had brought to both of us. I get used to the routines we were doing. And it’s really difficult to start and make new routines just with yourself. I get used to the fact that I always have him. Definitely, it is hard for me to do things alone this time… but I have to… I should.

For once, I would not be selfish. If I saw him happy with his new life, then I should be happy for him too. This is the path he chose. Maybe there’s a part of him that still loves me and that might get hurt every time he sees I am sad.  Yet, a larger part of him says it all—that this is what he needs… that this is what he wants…

It sucks to remain in the same place where everybody least expect you to be. I should have been in the same place, though one thing is for sure, it just takes time. Probably, I am still in the same place for I am willing to move forward and not to let go. Provided a short span of time, who could let go of the memories and the feelings you share and you had with someone? Nobody could, especially when all you have shared are real.  

I am not hoping that one day he’ll come back but if that happens, it would be great! We just have to give our love some time to heal, and who knows, maybe the happiness we used to know can be ours again. But if not, SHIT! I’m just kidding. If not, God has a better plan.

Olivarez boy, I love you from the day I said yes. From that day, more than a year had passed, and I still do. Sure, I will always be… but not as much as this.

I should get on with my life now.

*Years after, I’ll be looking at this note. And maybe, when that time comes, I’ll be laughing at myself, --realizing how stupid and emotional I become. And sure thing, I’ll be thanking you --for loving and hurting me this much.


Created : 04.17.2009

Sunday, December 26, 2010

Christmas Has Never Been This Cool

Way back years ago, Christmas is one of those holidays that I am really longing for. Syempre, for two primary reasons-- there's DecemBREAK to sent me out of tiring schoolworks, at may pera. Oo, may pera! Magmamano ka lang sa Ninong at Ninang mo, may pera na. Ganyan lang kasimple ang konsepto ng Pasko sa akin dati. Makakuha lang ng regalo at pera, masaya na. Minsan nga di mo na napapansin na masaya pala ang Noche Buena ng pamilya niyo. Just because you are too busy looking out for what's waiting for you on Christmas Day. Pero ngayon, dahil hindi na ko pwedeng mamasko sa mga ninong at ninang ko, madami akong napag-iisip.

Dahil nandito sa bahay ang tita, mga pinsan from Tarlac at Misamis Oriental, mas naging magulo, maingay, makulit ang Pasko. 



Well, I am proud to say that it's my first time to spent a large amount of money (maybe, it's just a small amt for others) just to buy gifts for my family and relatives. Ang sarap lang sa pakiramdam lalo na at alam mong masaya sila sa mga chakang regalo mo. Hahahaha. Nakatutuwa nga kasi nung Noche Buena, parang ayaw nang kumain ng mga batang pinsan ko, dahil sa sobrang excited buksan regalo nila. Buti nga di siya nadisappoint kasi yung pencil case lang a may hagdan lang ang regalo ko. Hahahaha. Still, it's the best Christmas eve ever! Madaming pagkain (kahit na ang desert na naman ni Mama ay maha), and most importantly, kumpleto ang pamilya. 

And Christmas Day itself? Nasa bahay lang ako hanggang hapon. Naghihintay sa mga inaanak ng aking mga magulang. So boring yet so meaningful. Naghihintay ka hindi dahil gusto mong tumanggap, pero dahil gusto mong magbigay. Ganoon naman talaga ang tunay na presensya ng Pasko, di ba? ANG IBAHAGI KUNG ANONG MAYROON KA NG HINDI NAGHIHINTAY NG KAPALIT. Pero di yan galing sakin, sabi yan ni Madir! 

And before that holiday ends, lumabas kami ng aking broken-hearted na kuya. Nagpunta kaming Festival Mall. Masaya kaming naglalaro sa Xsite (Did I spell it right?) ng di namin namalayang talo na pala kami ng 300php sa paglalaro lang ng Indiana Jones at Happy Clowns. Pero masaya pa rin. It's been a long time since the last time we hung out together. 

Christmas has never been this cool! Some experiences + learnings + family and relatives = HAPPY HOLIDAY! :D