Ang buhay ay parang Matematika – simple sa umpisa, komplikado habang tumatagal. May ilang natatakot humarap. May ilan din naming bumagsak subalit tinatahak pa rin nang sa gayo'y pumasa na. May ilang nagigiliwan sa thrill na dulot nito. Nariyan din naman ang ilan na walang humpay na umaasa na lamang sa kagalingan ng katabi. May iba na masaya na magkaroon ng tres. Samantalang may iba na nais mag-excel at hindi lamang basta pumasa. May ilang magaling sa pagsagot ng problema, ang iba'y sumusuko na lamang. At mayroon ding nagpapadala na lamang sa agos. Ikaw, saan sa ilan na ito ka nabibilang?
Nagsimula sa madaling addition, pinamahirap pa nga ay fraction – ganoon lang kasimple dati ang problemang dulot ng Matematika. Tumanda lang ng kaunti, nadagdagan na ng mga variables at tangent. Akala mo ay hanggang doon na lamang. Pero aba, lecheng Math ‘yan, mayroon pang nalalamang integrals at derivatives. Hindi pa nakuntento, ipinakilala ang varying force of interest, matrices, at formula translator! Pahirap ng pahirap habang tumatagal. Ngunit anong magagawa mo? Hihinto at susukuan na ito? E siraulo ka pala e. Estudyante ka kaya! Wala kang ibang magagawa kung hindi harapin at sagutan ang mga problemang iyon. Mag-aral at matuto. Magpakasaya at magpakagaling.
Pagsagot sa problema? Mahirap kung iisipin. Pero ika nga ni Blaise Pascal, "It's all in the mind". Ang madali ay nakakatamad, nakakabagot talaga. Minsan nga, kung ano pa yung mahirap, yun pa ang mas nakakagalak harapin. Mas may challenge, hindi ba? Tapos mabibigla ka nalang, nagawa mo na! Subalit kapag naharap sa matinding problem set, hindi lang naman ang final answer ang mahalaga. Mas makakakuha ka pa nga ng maraming puntos kung maayos ang solution mo. Kumbaga, mas mahalaga pa rin ang proseso kaysa sa awtput. Kung wala talaga, 'wag mangamba, laging may puntos para sa pagttyaga. Subalit kung blangko ang iyong sagutang papel, sumigaw at sabihing, Tangna kasi yung prof ko'. Biro lang. Laging tatandaan na mayroon pa ring susunod na semestre. Laging may natitira pa ring pag-asa, kahit anong mangyari.
At sa bandang huli, matatawa ka na lang kapag binalikan mo ang bawat maling sagot, maling subok. Maiisip mong, ang tanga mo dahil ganoon lang pala iyon. At para sa mga nasagutan mo na tama, hindi mo na iyon malilimutan. Habang buhay mo na iyong itatak sa iyong isipan.
Math ay parang buhay? O buhay ay parang Math? Ewan! Basta ang alam ko lang, parehas silang komplikado, parehas magulo. At higit sa lahat, parehas ko silang kailangang ipasa at harapin!