I'm not a good writer. However, I love to write whatever comes to my mind. And to quote one of my posts here, "Minsan, di mo naman kailangan ng magpapayo at magtuturo sa'yo ng mga dapat gawin. May mapaglabasan lang ng sama ng loob, e ayos ka na." About the blog title, somebody once asked me, why entitled such. Notes -- for words left unsaid; and tones -- for memories that gave meaningful discourse in my life. So here it is -- SULAT at HIMIG ni Dianne Sagun Pucyutan.
Sunday, November 27, 2011
When An Angel Came Along
"Don't say that you're not good rather, say that you'll strive hard to be better."
Sunday, November 20, 2011
Bakit Ka Nandito?
Kung pakikinggan, mukhang isa lamang madaling tanong ang mga katagang, 'Bakit Ka Nandito?'. Subalit kung tutuusin, kung susuriing mabuti, bakit nga ba? Ano nga ba ang dahilan kung bakit ako, ikaw, tayo, ay nandito? Mahirap din palang isipin. Ang hirap umisip ng tamang salita para ipaliwanag ang sagot sa tanong na iyon. Ang masasabi ko lang, maraming salamat sa nakalipas na team building. With that activity, I was able to feel why am I here, why I don't want any other place, people, organization, other than this.
Team Building [11-18-11]
Matagal nang pinaplano 'tong team buildig na 'to. Buti na lamang at natuloy na. Habang parami nang parami ang mga taong naghihintay sa Vega, sa Elbi, mas nararamdaman ko nang tuloy na tuloy na nga. Wala akong ibang maramdaman kung hindi, kasabikan. Unang beses kasi 'yun e. Tsaka, simula pa lang kasi ng semester, stressed na ko, ika nga ni Dedong, acad-wisely.
Nagsimula ang activity nang puro games. Malamang. Unang laro pa lang, ganadong-ganado na ako. Ewan ko ba, masaya lang ako na nandon ako, kasama sila. So di ako nagpaka-kj. Walang lugar para don at para sa katamaran noong mga panahong iyon. Lumipas ang ilang mga laro, at ang saya lang magreflect sa mga katatapos lang naming ginagawa. Ika nga ni PJerome, mag-cr ka lang, andami mo nang namiss. Di yun exaggerated. I really agree with him. Sa dami-daming nangyare, bawat isang segundo, sobrang pagsisisihan mo kung iyong makaliligtaan.
PUBCOM: The Epic Pinoy Henyo.
Sino ba namang 'di nakakaalam ng larong ito. Haha. Syempre, ang galing ng committee na nakaisip ng laro e. Walang iba, kung hindi kami. Natutunan ko? Wala lang. Ang saya lang maging competitive. Echos. Sa totoo lang, ang saya lang isipin na kahit hati yung grupo, walang halong pikunan na nagaganap. Lahat lang nag-eenjoy. May mga nagrereklamo, pero mas maraming umiintindi. Maliban doon, ang sarap lang alalahanin lahat ng mga bagay na nagpapatatag at kumukonekta sa bawat isa, mapa-lugar ng kainan, batch, mga kasapi, mga pyesa. Mga bagay na alam naming Harmonya lang ang nakakaintindi. Wala nang iba pa.
PUBCOM: The What-if Game [a.k.a. The Sandra Game]
Ang tanong na napunta sakin: 'What if maliit ang bajo de arco?'
Ang sagot na binasa ng katabi ko: 'E di astig! Parang ikaw!'
Woah. I won't go further to the instructions/mechanics of the game or should I say, activity. Amazing to know that at one point or another, things around us are so connected. Sino ba namang mag-aakala na ang tanong ng isa, kayang sagutin ng seryoso or paloko ng ibang tao nang di sinasadya. Parang 'yung tanong na napunta sakin. Sa dinami-dami nang Harmonya members, ako pa talaga 'yung napuntahan nung may word na 'maliit' e no? :D
MEMCOM: Judge The Tower
Sa pamamagitan ng candy na judge, bond paper at toothpick, kelangang gumawa ng tower nang di kinakausap ang kateam. Ang hirap di ba? Pero ang galing lang ng nanalo. Lesson learned? Kahit gaano kataas ang gusto mong itayong tower, kung napakahina naman ng foundation mo, babagsak at babagsak rin yun. Parang proseso ng pagsali e. Kung ano man ang rason kung bakit yun yung pinili mo, yun ang magsisilbing foundation mo. Patatatagin at paiibayuhin lamang yan ng mga tao, pangyayari, na maeencounter mo. Kung sakali mang mahina 'yang 'foundation' na 'yan, mahirap na mag-expect na tatagal ang istrukturang pinupundar mo. Pero mas maganda palang isipin na 'yung bawat toothpick ay nagrerepresenta sa bawat taong nandon. Sa iba-ibang parte nakatayo pero iisa lamang ang layunin. Ang mapatatag at mapatayog ang pinahahalagahan. Kahit na kadiri 'yung paghawak sa judge dahil galing 'yun sa ibang laway, masaya pa rin! =)
MEMCOM: Si Matalino at Si Gwapo [Pardon. I just invented this title :D]
Bottomline: Tiwala lang sa kasama. Ika nga ni Kuya Kit, kung nasa sitwasyon ka na di mo alam kung saan ka patutungo, kanino mo ipagkakatiwala ang buhay mo -- sa tao na hawak ang kamay mo, o sa taong nasa gilid mo at nasigaw? Sakin naman, ang naisip ko lang, dahil may mga nasaktan, dapat lang na matuto tayo sa mga pagkakamali ng iba. 'Wag na nating tularan. Ewan ko. Siguro may pagkaharsh 'yung naisip kong 'yun. :)
FINCOM: Sack Race
Ang mga natutunan noong gabing iyon, kayang pagsamahin sa iisang salita-- ang makapangyarihang teamwork. :)
FINCOM: Egg Catching
Partner ko si Ella dito. Sayang nga e. Second to the last round na e. Actually, kasalanan ko talaga yun e. Hahaha. Di ko nasambot yung egg. Maling approximation. Sorry Ella. =)
LOGCOM: The Longest Line
Ang ganda lang ng konsepto na naisip ng LogCom sa larong 'to. And to quote Bimbi, Minsan kasi nagpapahiram tayo ng mga bagay-bagay. At kadalasan, tayo 'yung humihiram. So responsibility natin na ibalik 'yun the way it is bago pa natin yun magamit. Ang sabi ko naman, wala lang. Hahaha. Joke. Para kasing sa larong 'yun, di naman na maiisip kung ano mga naiibabahagi natin e. Mapapaisip nalang ng kung ano pa yung kayang ibigay sa interval na natitira. 'Wag nag-oobliga pero buong pusong nagbibigay. Corny na pero ganon naman talaga sa pamilya. Ganoon kasi lagi pakiramdam ko pag nasa Harmonya ako. Wala akong pinagsisihan sa mga sinasakripisyo ko kahit pa sobrang importante. Gayon din naman ang iba. :)
RECCOM: Paggawa ng Tool, Paggamit ng Kabila
Talo kami sa game na 'to e. Unang una kasi nawawalan na ng gana dahil sa pagod. Pangalawa, kami kasi 'yung gagawa nung tool. Tapos 'yung gagamit noon, ay 'yung kakampi naming grupo. Ang pagkakamali, 'di man lang namin naisip na gagamitin 'yun nung iba. Sana mas naisip namin 'yung ikadadali nung side nila. Pero tapos na naman. At least, we learned from it.
RECCOM: The Controversial Web
Gustung-gusto ko itong larong 'to. Naging mainit sa simula ang diskusyunan dito pero ang maganda lang, ang daming nagbago at natutunan ng lahat. Naging bukas ang isip ng bawat isa. Nanaig pa rin ang pagmamahal kesa sa bugso ng damdamin. May mga parte na sobrag gumulo. Pero kung tutuusin, sobrang nakatulong ang pag-aaway na 'yun sa ikabubuti ng samahan. Face it or not, sometimes, it takes a big fight to strengthen the relationship. In those fights, we were able to see differences but then again, dapat 'di tayo nagpapadala sa galit. In fcing those differences, we were able to understand each and every personalities. I commend Rica for what she did. We love you, sis. :* Pag-intindi at pag-aadjust lang ang susi. Give and take relationship ika nga. Kung gusto nating maintindihan tayo, subukan muna nating intindihin ang iba. :)
PJerome's Ultimate A-B-C Game
Agenda: Habang nakapikit, kailangang matapos ang ABC hangggang Z ng di umuulit ng kahit anong letra. Kung magkataon, kailangang bumalik sa A. Ang hirap ng larong 'to. Pakiramdaman ang kailangan. 'Di mo alam kung kelan ba dapat magsalita at kelan ba dapat tumikom. Pero ang maganda lang, di kami nagpadala sa init ng ulo at pagkainip. May instance na gusto nalang itigil na. Paano ba naman, isang oras na yata ang lumipas, di pa rin nararati ang Z. Buti nalang, di namin dinaya ang aming mga sarili. Pinanindigan pa rin kung ano ang tama. Saka kung tutuusin, di lang naman ako ang nahihirapan e. Kung magrereklamo ako, ganon din dapat sila. Kaya, tama lang ang ginawa namin. Imbis na magreklamo, tapusin nalang. =)
The Harmazing Race
(1) Ang objective ng game, mailagay yung basong nasa taas ng palad mo sa lamesa ng 'di nalalaglag yung laman na tubig. Nakakatanga nung una. Pero common sense din pala. HAHAHA =)
(2) 'Cause baby you're a firework! Haha. Ang mahirap sa stage na ito ay ang pagrerecite ng preamble in a canon way. Tool, dapat kabisado ang preamble. Ito ata ang pinakamatagal naming stage. Salamat nalang sa pagtutulungan. Nakipagbargain. And we're not regretting any of it.
(3) Pag-inom ng GSM ng walang chaser at magcharades. :/ Ang sakit sa tyan. :( Lesson: Wag hapit sa pag-arte, tandaan na kelangan munang uminom ng walang chaser. HAHAHA.
(4) Paghahanap ng tatlong H ng Harmonya namely Humor, Hardwork and Humility na nakapaloob sa mga piso. Madali lang sana 'yun e. Ang nagpahirap lang, magkakatali 'yung paa namin. Super unity ang kailangan doon. Ang hirap lang maglakad.
To end it, walang nanalo sa game na 'yun. =)))
Harmonya's Battle Royale
Gaya nga ng sinabi ko sa Harmonya, noong napanood ko 'yung movie na battle royale, naisip ko na agad 'yung org. Kung paano kaa kung magkaroon ng ganoon sa org, syempre, ano kayang gagawin ko? Papatay ba ko? Kung oo, sinong uunahin ko? Sabi ko sa sarili ko, 'di ako papatay at 'di ko hahayaang patayin nila ko. So, magpapakamatay nalang ako. Pero nung nagreflect ako sa mga nangyare, grabe, ako pa 'yung nangunguna na pumatay ng kandila ng iba. Ang sama ko lang. :/ But that was just a game. Given the same scenario in Battle Royale, I would still say the same thing.
AT KUNG PAANO NAGTAPOS ANG MGA TALAKAYAN? Binalikan pa rin ang unang katanungan-- Bakit Ka Nga Ba Nandito? Kung ikaw man 'yung isang kandila na tinirik nang mgakakasama, bakit ka nandon? At ang masasabi ko lang..
Nasa Harmonya ako kasi 'yun na 'yung kumukumpleto ng pagkatao ko. 'Di na ko makaisip ng iba pang samahan na kaya pang pantayan ang Harmonya sa buhay ko. Wala na kong mahihiling pa sa social life ko dahil sa kanila. 'Di ko na kailangan pa ng iba e. Ayoko na ng iba. Sila pa lang sobra-sobra na. Mahal ko ang pamilyang 'yun di dahil sa pangalan o sa kung ano pang kaya nitong ibigay sakin. Datapwat, mahal ko 'to dahil tinuturuan ako nito ng mga bagay na di ko akalaing kaya pa lang gawin. May it be good or bad, gusto nalang magpasalamat. And to end this entry, MAHAL KO KAYO HARMONYA. Sobra. Kung mayroon mang bagay na 'di ko pagsisihan habang nasa elbi, 'yun ay ang hinayaan kong kunin niyo ang nag-uumapaw na pagmamahal ko.
HARMONYA, mawala man ang alab ng kandila ko, masaya na kong may iiwanang marka. *GROUP HUG* Tanentenentts. Tanentenentanentenen. <3
Subscribe to:
Posts (Atom)